
Sheliah Nissi Quimbo
| Ayah Yeshii |
Philippines. 17. Female. College-Multimedia Arts Student.
----------
---
- Tambayan Ng Mga Anime Addicts II
- » yesh «
* TEXT POSTS *
•own quotes | opinions
•Shadow | Journal •
• advice from others
• memorable scenarios and things
-----
* PICTURES *
• anime quotes and posts
• anime screenshots
* FAVORITES *
----------
-----
I'm no angel. I'm just me.
May 21, 2013. 8:23pm. I suddenly have a mood swing or.. whatever. Kanina pa actually. I dunno why. Bigla nalang ako nalungkot. So napahiga na lang ako saglit sa sofa. After lying down, medyo kumirot puso ko. F*ck! alam ko okay na ako About dun sa family issue. Okay na ako. Eh bat ako malungkot ngayon? Why? Why?!!! Parang.. I need a hug. Or someone to talk to. Yung voice na makakapag comfort sakin. 4 lang naman naiisip ko eh. Mom, sissy, Nimo and pao. If it’s mom, wala naman kaming mapag-uusapan, same with Pao siguro kasi hindi naman kasi talaga kami nag tatawagan. Kay sissy naman, wala akong pantawag, wala din syang pantawag. Si Nimo, nasa training kaya wala kaming communication. So dahil wala. Tumblr na naman ang kakampi ko.
And F*ck! Ito na. Kakaalis lang ni daddy. Biglang tumulo luha ko. Ansikip sikip ng dibdib ko. Why? Why am I feeling this way? Di ko talaga alam. Coz I know I’m okay but why am I suddenly crying? Bigla nalang ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Bakit ganito? I don’t want to cry. I’m somehow tired of crying. One week straight na akong umiyak 2 weeks ago. No, I think it was last week lang. So bakit ako naiiyak ngayon? Feeling ko naman hindi sya about sa family issue eh. Maybe, just maybe, because I’m always alone? I don’t know. Dahil ba sa medyo namimiss ko ang masaktan? Pero .. ewan! Bakit na ba kasi? Kuntento naman ako ah. Mag-isa man ako sa bahay, alam ko namang di parin ako nag-iisa. May mga tao dyan sa paligid ko,wala man sa tabi ko ngayon pero alam kong maaasahan ko. I’m not alone. So why? Please, Ayah. Stop crying already! You don’t even know the reason yet you’re crying like something happened. Psh.
Hindi ko man alam ang reason ng pag-iyak ko, alam kong nasasaktan ako. Hindi ko man alam kung bakit ako nasasaktan alam kong kailangan ko ng yakap. Hindi man yakap, edi pat sa ulo. Kung hindi man pat sa ulo, edi boses na lang na makakapag-pagaan ng nararamdaman ko. Hindi man ako makantahan, edi kausapin nalang. I really need one of these. If possible, lahat. Pero kung hindi man, please, kahit isa lang? Kahit hug na lang?
Psh. Ilang minutes na ako umiiyak. Pero di ko parin alam ang dahilan. Nakakaramdam lang ako ng sakit. Yun lang. Di ko mapigilan pag tulo ng luha ko kasi ang alam ko masakit yung nararamdaman ko. Naalala ko si Athena sa binasa kong story kahapon, She’s Dating The Gangster, and also my mom. Medyo parang ako. Medyo pareho yung mga pinagdaanan naming tatlo. Both of them have heart disease. Ayoko rin namang isipin na may sakit ako sa puso, and hopefully hindi ako magkaron. Hindi ko lang talaga maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Medyo paulit ulit na mga sinasabi ko pero paran ayaw tumigil ng mga daliri ko sa pag ta-type. Tuloy tuloy kasi eh. Ewan ko, gusto ko lang din siguro mag labas ng mag labas ng nararamdaman ko ngayon, lalo na’t di ko maipaliwanag kung ano tong pakiramdam na to. Pero ayoko na, tama na. wala narin naman akong sasabihin eh. Just please, Lord, wag nyo po ako hayaang magkasakit. Kayo na po bahala sa health ko at sa mga pinag dadaanan ko. Alam ko pong di nyo po ako iiwan at papabayaan. Thank You po.
“Ask kita ulit kapang nag kita tayo”
So it means, sa next naming pagkikita, magiging official na kami? ERMERGERD! I’m gonna melt :”3 Bakit kasi di pa ako umoo nung May 11 eh >_<
Luhh. :)) Eh kasi di natuloy lakad namin nung 15 eh. Kaya ngayong 17 ayon, kahit wala naman kaming gagawin basta makasama isa’t isa, sige lang :D
So kanina, ayun. Buong araw kami nakatunganga sa megamall. Nag lunch tapos tunganga ulit. If before nahiya ako mag kiss sa cheek sa kanya, ngayon medyo hindi na, tinatago ko na lang. Kunwari normal na lang. Eh one time nag sabi sya “Ayah kiss mo nga ako”, edi nag kiss ako. Nung mag-uuwian na kami,nag sabi sya ulit ng ganun. Eh magki-kiss na dapat ako sa cheek tapos bigla syang humarap. HAHA. Okay. Pareho na lang kaming tumawa. Muntik na yun ah. Syempre ako, hirap kumalma. Nabigla talaga ako. Nanlamig kamay ko. Feeling ko nanginginig loob ng kamay ko. Tas sabi pa nya “Medyo sayang yun oh”. Edi lalo akong hindi napakalma. Hanggang sa ayun, 5:29pm natuloy yuuuun. Luhh :)) Eh nag facetable agad ako. Grabe ang hirap talaga kumalma. Eh isa pa eh. So before nung 2nd kiss, nag pakalma muna ako. Eh tapos may tinuro akong babae, tumingin naman sya dun sa babae, tapos pag balik lingon nya sakin biglang nag kiss ulit sabay “tara na” edi ako halos matutunaw, ang hirap kumalma pero tumayo nalang ako tas ayun nag lakad na kami pa labas ng mall. Pero balak ko talaga nun ako mag ki-kiss sa kanya sa pangalawa eh. Eh wala eh, hindi kasi ako maka-kalma eh. Nung hinatid naman nya ako, ahaha, “wala bang goodbye kiss?” syet! konti na lang matutunaw na ako. Ayun, nung may bus na pa-pacita, ako na yung nag kiss sa kanya. Natulog agad ako sa bus para kahit papano, kumalma naman dugo ko. :D
So 15 kasi, I was hoping na magiging special tong araw na to. 15 kasi anniversary nina mom and dad (september). So if ever na natuloy kami kanina ni Pao at dumating na naman sa point na bibiruin nya ako ng “Tayo na ba?” hindi na ako mag sasagot ng “ewan”, “malay” or “ikaw bahala” kundi “OO” na.
Hindi natuloy lakad namin. Sorry sya ng sorry. Okay lang naman sakin. Pero depressed sya ng buong araw at parang wala sya sa mood pag kinakausap. Nag post sya sa wall ko “Sorry ate” nag comment ako. Nag post ako sa wall nya about dun sa smile, di nya pinansin, kahit like man lang. So okay, edi di ko na lang din pinansin. Depressed daw sya ngayon na ewan na parang di maintindihan. Sakin lang daw sya nag kaganito. So medyo natuwa naman ako.
Tinanong ko sya “kailan ka ulit pwede?” di sya nakapag reply. Mea mea sabi ko “Ahm. cge mea nalang ako chat. baka naglalaro ka.” Sabi nya “D ah. Ewan… sasabihin ko nalang sayo”. So dun, alam kong parang wala padin sya sa mood. Nag sabi na lang ako ng “sige po”. Minutes after, mag-isa na lang ako sa bahay, umalis si dad. Napahagulgol na naman ako. Of course, dahil na naman dun sa pinagdadaanan ko about family. After kong umiyak, okay na ako. Mea mea sabi ko sa sarili ko “Hindi ako mag p-pm. Ayoko syang i-pm” pero nag hihintay ako ng pm nya. Eh pero wala eh. So nag pm ako “I love you pooooo :( Wala lang. Nalulungkot lang ako kasi parang di tayo nagkausap ng maayos ngayong araw. Sige gnyt”. Walang reply. Nag-off chat ako. Nag hintay ako ng konti para sa reply nya, though naka-off yung chat ko. Napapa-pikit pikit na ako. Wala padin. Naluha ako bigla. Nalungkot. Siguro kasi ineexpect ko na magiging masaya tong araw na to. I was expecting na kahit hindi man kami magkasama magiging okay padin yung araw na to. Pero bakit ganito? Ang lungkot lungkot. Nag buhos na ako ng nararamdaman ko about dun sa issue kay dad pero makakaramdam naman ako bigla ng lungkot dahil malungkot sya tapos di pa kami nagkausap ng maayos. Fine, OA. Eh ewan. Special sya eh. Hindi ko mapigilan mapatulo luha ko. Nag available ako sa chat saglit, online pa naman sya. Wala paring reply, wala ring “seen”. Baka nag lalaro sya. So ayun edi di ko na muna inintindi yun. Pag tingin ko ng phone nag text pala si mommy nag tatanong kung kamusta na ako. Naluha na naman ako. Nag sama yung lungkot ko about kay daddy at yung lungkot ko about Paolo.
Err. Fifteen! I should have not expected something ngayong araw na to. Naging kabaliktaran lang. :/
5 days na since nung nalaman ko ang about sa bagay na pinag dadaanan ko ngayon. Ambigat nito para sakin pero syempre alam kong kaya ko to. Thankful ako sa mga taong nandyan sa tabi ko, pinapangiti ako, pinapatawa ako. Di man nila alam na sobra silang nakakatulong sakin, pero salamat padin sa kanila.
Kanina dapat kasama ko si Pao eh. Di nga lang natuloy kasi may pinuntahan mama nya, wala kasama kapatid nya. Syempre nalungkot ako. Teary eyes na ako sa bus kanina. Yung pakiramdam na parang nag-iisa ka. Gusto ko umiyak ‘cause I really feel alone that time lalo na dahil sa pinagdadaanan ko ngayon. Sumakay nalang ako bus pabalik Pacita agad. Nakatulog ako sa bus at nagising sa San Pedro United, naisip ko bisitahin ko nalang si Nanay Lian, namimiss ko narin naman sya eh. So ayun, bili muna ako icecream para sa kanya. Nag-open up din ako sa kanya then nakasama din namin si Mama Pia at yung isang friend nila. Salamat sa araw na to na kahit nandun yung sakit na nararamdaman ko nakakangiti at tumatawa padin ako.
Alam ko naman kasi na di talaga ako nag-iisa eh. Besides, nandyan naman si Lord na pwede kong lapitan pag lahat ng tao nakatalikod sakin. Pero salamat padin talaga sa bawat taong nag bibigay ng ngiti sa aking mga pisngi. Thank You Lord kasi sinama mo sila sa story ng buhay ko. Bigyan nyo narin po ako ng wisdom para makausap na si Daddy at para mabawasbawasan na tong dinadamdam ko. :)
So after 10 months, ngayon lang kamu lumabas. Okay, let’s say, nag date :) Yesterday, March 10, 2013 was the 10th month since nag simula ung pagiging MU namin. I don’t know why, siguro nagkakahiyaan lang magyayaang gumala. But finally! Ayun kanina, nasa SM MegaMall kami :”>
So first, tambay lang muna sa foodcourt at kinwento ko sa kanya yung pinagdadaanan ko (Family issues). After that nag basketball kami sa WOF, we ate lunch and watched Scary Movie V. Wala lang natuwa ako, halos buong araw magka-holding hands kami, lalo na sa movie. First time yun eh :3 Eh after movie ayun, halos magkayakap. And dumating na naman kami sa point na “Tayo na ba?”, “Ewan ko. Haha” tapos sasabihin nya “Gusto mo ba?” at “Ewan ko, ikaw bahala” lang ang nasagot ko. Pano kaya kung iba yung sinabi ko, kami na kaya? Dati ayaw ko hanggat di sya nag papaalam kay Daddy, eh pero ngayong may issue ako kay daddy, parang sige na lang. Eh pero magiging LDR kami if ever kasi sa Visayas na ulit ako mag-aaral at titira sa June.
So ayun, habang nagpapalipas ng oras at hinihintay mag 6pm para umuwi, wala tambay lang. Kulitan. Tapos habang nakayakap sya sasabihin nya “Kahit ganito lang okay na ako eh”. Gaaah, pwede sumabog? At ilang beses nya rn ako na-kiss (sa cheek). Eh di ko pa yun nagagawa sa kanya. Dapat nga nung bday nya. Tapos gusto nya daw i-extend yung oras. Edi 6:30 na kami uuwi. Yiee, gusto nya pa ako makasama :”> Eh tapos sinabi ko may ibubulong ako sa kanya. 6:03pm kunwari bubulong ako, pero hinalikan ko sya sa pisngi sabay tago mukha. Ilang minutes din akong naka facetable. Ayaw kong ipakita mukha ko sa kanya. Then ayun after nun uwi na. Wala lang kahit ganun lang pinag gagawa namin, ang memorable sakin ng araw na to :”>
Anime Soundtrack and Theme Songs Requests from our facebook page: http://facebook.com/AnimeSoundtrack.ThemeSongs.Official The music used in a show. This incl…
Subscribe Anime Soundtrack and Theme Song’s YouTube channel or like us on FaceBook :)

